Ex-Sen. Santiago gagawaran ng Quezon Service Cross Award ni Pangulong Duterte

0
48

Gagawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senadora Miriam Defensor Santiago ng pinakamataas na civilian service award sa Pilipinas.

Sa Disyembre 3, gaganapin sa Malakanyang ang seremonya sa paggawad ng Quezon Service Cross sa yumaong senadora.

Sa sandaling maigawad ang pagkilala, si Santiago ang kauna-unahang babaeng tumanggap ng naturang parangal.

Matatandaang nuong nakaraang taon ay isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ni Santiago sa Kamara para sa nominasyon.

Sa kanyang liham sa Kongreso, sinabi ng pangulo na habang nabubuhay si Santiago ay ginamit ng dating senadora ang mga talento nito para magserbisyo sa taumbayan at sa bansa.

Kabilang sa mga una nang nagawaran na ng Quezon Service Cross Posthumous Award ay sina dating Senador Ninoy Aquino, dating DILG Secretary Jesse Robredo at dating Pangulong Ramon Magsaysay habang buhay pa nang gawaran naman ng parangal sina dating Pangulong Emilio Aguinaldo at dating Pangulong Carlos Romulo.