Iilan sa mga lugar sa Davao region apektado parin ng ASF

0
3

Ilang lugar sa Davao region ang apektado pa rin ng African Swine Fever (ASF) matapos itong gawing red zone ng Department of Agriculture XI.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon sa DA XI, sampung (10) barangay sa Davao del Norte, kabilang ang Panabo City, Tagum City at Island Garden City of Samal ang apektado ng ASF. Mayroon ding sampung (10) lugar sa Davao Oriental kabilang ang Mati City.

Limang munisipalidad sa Davao del Sur ang may ASF cases at ang buong Davao Occidental ay may ASF cases.

“Hindi pa natin masasabi na victorious tayo sa ASF dahil hanggang ngayon wala pa tayong bakuna kontra ASF, pero at least, kontrolado na ang sitwasyon,” ayon kay Abel James Monteagudo, ang regional executive director ng DA XI.

Ngunit may mga lugar sa region XI ang nadeklarang buffer o pink zones o wala nang kaso sa ASF.

Gayunpaman, patuloy ang surveillance at monitoring sa National Meat Inspection Service o NMIS arun makontrol ang ASF.

Habang may mga hakbang na ginagawa ang kada LGU arun na maiwasan o makontrol ang African Swine Fever sa kanilang lugar.

Leave a Reply