Iba pang opisyal ng PCSO hinikayat na masusi ring imbestigahan

0
40

Hinikayat ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang pamahalaan na masusi ring imbestigahan ang iba pang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Ito’y matapos masibak si dating PCSO General Manager Alexander Balutan dahil umano sa kasong katiwalian.

Ayon kay VACC National President Boy Evangelista, dapat na salain pang mabuti ang PCSO upang madiskubre pa at maparusahan ang mga iba pang opisyal na mapapatunayang sangkot sa kurapsyon.

Dagdag pa ni Evangelista, dati nang lumulutang ang isyung kurapsyon sa loob ng PCSO sa pamamagitan ng small town lottery o STL.

Dahil dito, hindi na umano biro ang alegasyon ng kurapsyon sa ahensya na naging resulta ng pagkakasibak ng isang mataas na opisyal.