Comelec dapat isapubliko ang mga kandidatong lumalabag sa campaign rules — NAMFREL

0
53

Naniniwala ang National Citizens Movement for Free Elections o NAMFREL na dapat isapubliko ng Commission on Elections o Comelec ang pangalan ng mga kandidatong lumabag sa campaign rules.

Ayon kay NAMFREL Secretary General Eric Alvia, mas mabuting malaman ng taumbayan ang mga tumatakbong pulitiko na hindi sumusunod sa regulasyon ng pangangampanya.

Bukod sa matututo ang mga kandidato ay makakatulong din aniya ito sa matalinong pagpili ng botante para sa 2019 midterm elections.

Giit pa ng NAMFREL, nais makita ng publiko kung talagang mapapatawan ng Comelec ng kaukulang parusa ang mga lumabag sa kanilang batas sa eleksyon.