Iba pang kumpaniya ng langis nagsunuran na rin sa rollback

0
52

Nag-anunsyo na rin ang iba pang kumpaniya ng langis ng kanilang oil price rollback epektibo 6:00 ng umaga bukas, Oktubre 29.

Ilan sa mga ito ay ang Petro Gazz, Seaoil, Petron, Flying V, Shell, Total, PTT at Caltex kung saan aabot sa piso at limampung sentimos ang tapyas presyo sa kada litro ng gasolina habang sisenta sentimos naman ang tapyas sa presyo sa kada litro ng diesel.

Piso at sisenta’y singko sentimos namana ng tapyas ng kumpaniyang Seaoil habang una nang nagpatupad ng kahalintulad na rollback ang kumpaniyang Phoenix Petroleum epektibo kahapon.

Dahil sa tatlong sunud-sunod na rollback, papalo na sa apat na piso at apatnapu’t limang sentimos ang natapyas sa presyo ng gasolina habang dalawang piso at sampung sentimos naman sa diesel.

Habang kung susumahin naman ang siyam na sunod na linggong oil price increase, nasa limang piso at limang sentimos ang itinaas sa kada litro ng gasolina habang limang piso at walumpu’t limang sentimos naman sa kada litro ng diesel.