Pilipinas at China nakatakdang lumagda sa bilateral agreements

0
43

Nakatakdang lumagda ang Pilipinas at China sa bilateral agreements sa pagbisita ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa bansa ngayong araw hanggang sa Lunes, October 29.

Ayon sa advisory ng Department of Foreign Affairs, makikipag pulong si Wang sa mga opisyal ng gobyerno sa Davao City kung saan inaasahang pag uusapan ang build, build, build infrastracture program, law enforcement at humanitarian assistance.

Kabilang sa magiging pulong ang bagong talagang si DFA Secretary Teddy Boy Locsin Jr., mga economic manager ng Duterte administration at iba pa.