IATF: Pinayuhan ang publiko na ‘wag nang maging maarte sa gitna ng COVID-19 crisis

0
27

Pinayuhan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease(IATF-EID) ang publiko na huwag nang maging maarte.

Kasunod na rin ito ng mga report ng maraming motorista na tumatawid pa o nagpupunta pa sa ibang lugar para lamang makapag grocery.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, tagapagsalita ng IATF na dapat maintindihan ang sitwasyon na dapat ay stay at home na ang lahat maliban lamang sa mga kailangang mahalagang bilhin sa labas.

Binigyang diin ni Nograles na nasa huling yugto na ang Pilipinas sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) kayat lalo pang maghihigpit ang gobyerno para hindi mabalewala ang pagod at sakripisyo ng bawat isa.