DOH inamin malaking hamon ang COVVID-19 crisis sa bansa

0
28

Inamin ni Department of Health (DOH) Secretary Franciso Duque III na naging malaking hamon sa ahensya ang krisis ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa kaniyang pagharap sa teleconference ng COVID-19 committee technical working group  health sinabi ni Duque na “extremely difficult” ang karanasan ng ahensya sa nakalipas na tatlong buwan sa gitna nang patuloy an paglaban ng bansa COVID-19.

Ipinaabot ni Duque ang pagkilla sa staff ng DOH at buong health care sector na nagsa sakripisyo ng kanilang panahon at buhay para makatulong sa mga kapwa Pilipinong nagkakasakit.