IATF hinimok ang publiko isumbog lahat ng mga mananamantala sa gitna ng health crisis

0
20

Hinimok ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang publiko na isumbong sa mga kinauukulan ang mga mananamantala sa panahon ng state of calamity dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay IATF spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ipinatutupad ang price freeze o price control para matiyak ang abot kayang presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng krisis.

Gayundin ang matiyak na walang sinuman o anumang kumpanya ang mananamantala sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Dagdag ni nograles, maaaring i-report o ireklamo sa hotline 1384 o email consumercare@DTI.gov.ph ang lahat ng mga abusadong indibiduwal o negosyo.

Nanawagan din si Nograles ng pakikisa sa lahat ng mga Filipino.