31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

HK Police nagbantang gagamit ng live ammunition sa mga ‘demonstrador’

- Advertisement -

Iginiit ng Hong Kong Police na handa silang gumamit ng live ammunition kung magpapatuloy sa paggamit ng petrol bombs at pana ang mga ‘demonstrador’ sa Hong Kong.

Tinangka ng Hong Kong Police na pasukin ang Polytechnic University subalit umatras din sila matapos silang salubungin ng pana at tapunan ng petrol bombs.

Inakusahan ng pulisya ang mga estudyanteng raliyista na nasa likod ng sunog na sumiklab sa isang overpass malapit sa Cross Harbor Tunnel.

Una rito, kinondena ng pamunuan ng Hong Kong Polytechnic University ang anila’y karahasan at ilegal na aktibidad ng mga estudyante sa loob ng kampus.

May mga nawawala rin umanong mga mapanganib na kemikal mula sa kanilang mga laboratoryo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -