Saturday, May 4, 2024

Bantang pagsibak ni Duterte kay Robredo bilang co-chair ng ICAD inalmahan

- Advertisement -

Inalmahan ng isang kaalyado ni Vice President Leni Robredo ang banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin nya ang bise president bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kung isisiwalat nito ang mga classified information hinggil sa kampanya laban sa illegal drugs.

Ayon kay Albay Cong. Edcel Lagman, hindi naman kinakailangang magbanta ang pangulo dahil alam ni Robredo ang kanyang responsibilidad na pangalagaan ang seguridad ng bansa.

Ang hindi anya katanggap-tanggap ay ang pagtanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bigyan ng listahan ng high value targets si Robredo gayung co-chair ito ng ICAD.

Sinabi ni Lagman na hindi naman maituturing na sikreto ang listahan ng high value targets dahil mismong ang pangulo ang paulit-ulit na nagsapubliko nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img