Baguio City – Ang kahilingan ng Alkalde ay agad namang tinugunan ng iba’t ibang telecommunication at utility companies. Agad ikinatuwa ng Alkalde ang agarang pagtugon ng mga ito sa mga nakalaylay at malaspagetting linya ng telecommunikasyon.
Sinabi ni Magalong na ang naturang problema ay patuloy nilang aaksiyunan katuwang ang mga iba’t ibang different public utility companies sa pamamagitan ng pagtanggal ng patay o hindi na gumaganang linya at ilipat at mas pagandahin pa ang paglalagay ng cable sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Idinagdang ng Alkalde, hindi lang matatanggal ang mga nakakasakit sa mata kundi upang maiwasan ang aksidenteng na naghihintay na mangyari dahil sa mga pilipit at disorganized kawad. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)
