Muling kinuwestiyon ng kampo ni Jennifer Laude ang naging pahayag ni Pang. Rodrigo Duterte na hindi tinrato ng tama si U.S. Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, kaya’t pinagkalooban ito ng absolute pardon.
Ayon kay Atty. Virginia Suarez, abogado ng pamilya Laude, hindi niya maintindihan kung paano nasabi ng Pangulong Duterte na hindi tama ang naging pagtrato kay Pemberton gayong tinamasa nito ang lahat ng prebelihiyo bago pa man sentensyahan ng korte.