Hindi pag-obliga pagkuha ng tuloy-tuloy ng Continuing Professional Development (CPD) para sa OFW, hiniling ni Sen. Lito Lapid

    0
    36

    Iginiit ni Senador Lito Lapid na hindi na kailangang lumahok ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Continuing Professional Development (CPD) Programs ng Professional Regulations Commission (PRC).

    Sa Senate Bill 2349 na inihain ni Lapid, layunin nitong amyendahan ang Republic Act No. 10192 o ang Continuing Professional Development Act of 2016.

    Sa ilalim ng batas, lahat ng mga propesyonal kabilang ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay kinakailangang kumuha ng CPD Units at isumite ang mga ito bilang ebidensya kapag nagre-renew ng kanilang lisensya.

    Bagama’t may exemption sa CPD na ibinibigay sa Professional OFWs, ipinaliwanag ng senador na kailangan ang batas para maging permanente ito.

    Ayon kay Lapid, malaking gastos at abala para sa mga OFW na makakuha ng mga seminar at pagsasanay na karaniwang ibinibigay dito sa Pilipinas.

    Nilinaw ng mambabatas na kaisa siya sa layunin ng Continuing Professional Development Programs para sa pagpapalakas ng professional excellence sa bansa ngunit kakaiba ang sitwasyon ng mga OFW at dapat isaalang-alang.

    Written by Cheleste Simene

    Leave a Reply