Saturday, May 18, 2024

Hindi pa rin pagpapalabas ng COVID-19 mass testing guidelines ng DOH kinuwestiyon

- Advertisement -

Kinuwestiyon ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Health (DOH) kung bakit wala pa ring inilalabas na guidelines kaugnay sa pagsasagawa ng mass testing ng mga local government units (LGUs).

Ayon sa senador, nakaantabay pa rin kasi ang mga lokal na pamahalaang lungsod gaya ng Valenzuela City sa patakaran ng DOH kung paano ang tamang proseso sa pagsasagawa ng malawakang pagsusuri para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Iginiit pa ni Gatchalian na mahalaga na itong maisagawa upang agad na matukoy ang mga positibo sa COVID-19.

Sa ganitong paraan aniya ay maaari nang unti-untiin ang pag-alis ng lockdown upang maging daan naman sa muling pagbubukas ng ekonomiya habang tinututukan ang mga positibong kaso at matiyak na hindi na kakalat pa ang virus sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -