Himpilan ng pulisya sa Northern Samar inatake ng NPA; 3 rebelde patay

0
52

Inatake ng New People’s Army (NPA) ang himpilan ng pulisya sa Victoria Northern Samar.

Sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga pulis sa pamumuno ni Police Lt. Eladio Alo at halos limampung (50) mga NPA.

Tatlong rebelde ang naiwang patay ng ilang minutong labanan at pagkaaresto ng isa.

Narekober din sa lugar ang matataas na kalibre ng armas at bala.

—-