Adultery at gay sex sa Brunei papatawan ng parusang kamatayan

0
72

Nagpalabas ngayon ng mas marahas na parusa ang sultanato ng Brunei para sa iba’t ibang mga paglabag sa kanilang batas.

Gaya na lamang ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagbato o stoning sa lahat ng mga mapapatunayang sangkot sa pakiki-apid at gay sex.

Alinsunod ito sa matagal nang umiiral na batas na nagbabawal naman sa pagiging bakla ng kanilang mga mamamayang Muslim.

Maliban dito, puputulan naman ng kanang kamay ang mga magnanakaw sa unang beses habang kaliwang paa naman ang puputulin para sa ikalawang paglabag.

Umaalma naman ang Amnesty International sa hindi makataong uri ng pagpaparusa ng Brunei at nanawagang ipatigil ang pagpapatupad ng mga ito.

—-