Hiling ng lokal na gobierno ng Lungsod ng Baguio at ng Baguio Water District sa paglilimita ng mga deep well hindi pinaburan ng National Water Resources Board

    0
    9

    Baguio City – Hindi inaksyonan ng National Water Resources Board (NWRB) ang matagal na kahilingan ng lokal na gobierno ng lungsd ng Baguio at ng Baguio Water District sa pagsasakamay ng naturang regulatory body sa paglilimita ng mga pribadong deep well sa lungsod ng Baguio.

    Matagal na umanong kahilingan ang pagpapasakamay ng National Water Resources Board o ng NWRB sa lokal na gobierno ng lungsod sa pagpapalabas ng permiso.

    Nais ng kahilingan na mabigyan ng kaukulang aksyon ang pagdami ng mga illegal na mga deep well nakakaapekto sa supply ng tubig at nakakasira ng tinatawag na water acquifers.

    Mula noong Disyembre 31 noong nakaraang taon, umaabot sa 327 ang mga bilang nga mga illegal na deep well ang mga natuklasan at naitala ng lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio.

    Itong mga nakaraang araw, isa naman na may ari ng commercial na gusali sa Lourdes Subdivision Extension ang nabigyan ng abiso sa paglabag dahil sa illegal na pagbutas ng pribadong deep well. (Joel Cervantes, photo courtesy of BWD file)

    Leave a Reply