Thursday, May 2, 2024

Hiling na TRO sa pagdinig ng kasong rebelyon ni Trillanes ibinasura ng CA

- Advertisement -

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ni Senador Antonio Trillanes IV na pigilan ang pagdinig ng Makati City RTC Branch 150 sa kasong rebelyon laban sa kanya.

Sa halip, inatasan ng CA ang Makati RTC Branch 150 at ang department of Justice (DOJ) na magsumite ng kanilang komento.

Ayon sa CA, hindi nila maaaring pigilan ang pagdinig sa puntong ito dahil maituturing itong paggawad na na rin ng temporary restraining order (TRO) laban sa kasong rebelyon ni Trillanes nang hindi dumadaan sa hearing.

(Ulat ni Bert Mozo)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img