35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Higit P4-B halaga ng shabu nasabat sa port area sa Maynila

- Advertisement -

Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs o BOC, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Philippine National Police ang halos kalahating toneladang shabu sa Manila International Container Port (MICP), sa Tondo.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino, nagkakahalaga ang mga iligal na droga ng tinatayang 4.3 bilyong piso.

Nadiskubre ang kontrabando sa isang abandonadong container van sa designation examination area ng MICP, kahapon.

Nakasilid aniya sa loob ng mga magnetic scrap lifter ang mga shabu nang buksan ang container van na napag-alamang dumating mula sa Malaysia, noong Hunyo 28.

Naka-consign sa Vecaba Trading ng isang Vedasto Cabral Baraquel na naka-base sa Barangay Lalud, Calapan City, Oriental Mindoro ang shipment.

Ang naturang shipment na pinakamalaking bulto at halaga ng illegal drugs na nasabat ngayong taon ay may kaugnayan sa malaking sindikato ng droga na pitong taon nang sinusubaybayan ng PDEA.

(Ulat ni Gilbert Perdez)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -