35.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Grab driver natagpuang patay sa kanyang sasakyan sa Parañaque

- Advertisement -

Isang grab driver ang natagpuang patay sa loob ng kanyang sasakyang iniwan sa barangay Don Galo, Parañaque City.

Kinilala ang biktimang si Ananias Antigua, 54-anyos na nagtamo ng labindalawang (12) tama ng bala ng 9mm pistol.

Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, posibleng robbery o carnapping ang motibo sa krimen at may indikasyon ding lumaban ang biktima.

Nasa kamay na rin aniya nila ang detalye ng biyahe ni Antigua noong huling araw na bumiyahe maging ang huli niyang pasahero na person of interest sa kaso.

Samantala, kinondena naman ng Grab Philippines ang panibagong insidente ng pagpatay sa kanilang driver.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -