Higit 77,000 pamilya nakatanggap na ng financial assistance mula sa gobyerno —DSWD

0
11

Tinatayang umabot na sa 77, 244 na pamilyang Pilipino ang nabigyan na ng tulong pinansyal ng gobyerno.

Ito ay matapos na maapektuhan ang libo-libong pamilya sa bansa dahil sa umiiral na lockdown bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Secretary Rolando Bautista ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mahigit 44,000 pamilyang natulungan ay bukod pa sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Umabot na aniya sa P424-milyon ang naipamahagi sa mga benepisyaryo ng 4Ps kung saan nakatanggap na ng P5,000 at P8,000 ang bawat indigent family alinsunod narin sa Bayanihan to Heal as One law.

Bukod pa rito, nai-transfer na rin aniya ng DSWD ang P48-bilyong ayuda sa mga lokal na pamahalaan at sa mga DSWD offices, habang P800-milyon naman ang naipamahagi na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, target naman ng DSWD na maipamahagi ang first tranche ng tulong pinansyal ng pamahalaan sa loob ng dalawang linggo.