Agarang pagpapatupad ng proper interventions nakatulong sa ‘di na paglaganap pa ng COVID-19 —DOH

0
16

Posibleng abutin pa hanggang sa susunod na taon ang problema ng Pilipinas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung hindi agad na nagpatupad ng proper interventions ang pamahalaan.

Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay batay na rin sa tatlong modeling estimates ng mga siyentipiko at mathematician sa bansa.

Gayunman, nilinaw naman ng kalihim na ito ay pawang pagtaya lamang.

Samantala, ipinabatid naman ni Vergeire na maaaring  abutin pa ng anim hanggang 18 buwan bago makagawa ng bakuna na panlunas sa COVID-19.