Duterte sa PNP: Ihatid ang mga health workers na maaabutan sa kalsada

0
17

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na ihatid sa kani-kanilang mga tahanan ang mga health workers na maaabutang nasa kalsada pagpatak ng hatinggabi.

Kasabay ng muling pagsaludo ng pangulo sa mga health workers sa bansa, ay tiniyak rin nito ang kaligtasan ng bawat isa.

Pinapayuhan rin ni Pangulong Duterte ang mga health workers na ilang kilometro pa ang lalakarin pauwi na parahin ang sinumang makikitang police at magpahatid.

Pagka gabi na, and you are still far away from your home, ito lang magawa ko. If you’re still about a kilometer away at makakita ka ng pulis, parahin mo. Sabihin mo sa pulis na magpahatid ka,” ani Duterte.