Higit 300 Chinese nationals ipina-deport

0
12

Naipa-deport na ang nasa higit 300 Chinese nationals na inaresto dahil sa paglabag sa iba’t ibang immigration laws.

Tinatayang nasa limang chartered flights ang gagamitin para mapabalik sa kanilang bansa ang mga naaresto.

Umalis ang tatlong eroplano sa NAIA kaninag alas-4:30 at alas-5:30 ng umaga, samantalang nakatakdang umalis mamayang gabi ang dalawa pa.

Magugunitang kahapon ay nakipagpulong na si Chinese Embassy Deputy Police Attaché Li Le sa mga opisyal sa paliparan, Philippine National Police (PNP) at Bureau of Immigration (BI) para sa naturang deportation.