Monday, May 6, 2024

Abandonadong trolley bag nagdulot ng ‘bomb scare’ sa Maynila

- Advertisement -

Pansamantalang isinara ang kalye ng Padre Faura at Roxas Boulevard matapos may makitang abandonadong trolley bag na naging sanhi ng bomb scare sa lugar.

Agad na ininspeksyon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Bomb Squad ang naturang bag at nang mabuksan ay nakitang puro plastik at damit ang nasa loob nito.

Pasado alas-7:20 ng umaga nang ideklarang ligtas na ang lugar sa anumang banta ng pagsabog.

Dumating naman sa lugar ang nagpakilalang may-ari ng bag na si Josephine Catama na mula sa Norzagaray, Bulacan.

Ninakaw aniya ang bag sa kaniya habang natutulog sa ilalim ng footbridge.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga otoridad kung mayroong nawalang gamit sa loob ng bagahe ni Catama.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img