Higit 20 bahay winasak ng malaking alon sa Mindoro

Higit 20 bahay winasak ng malaking alon sa Mindoro

by Powered by DWIZ
0 comment 16 views

Mahigit 20 bahay ang winasak ng malaking alon sa Barangay Paluan, Sablayan, Occidental Mindoro.

Ayon kay Edward Emmanuel Yambao ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office, 10 hanggang 12 barangay na malapit sa dagat ang tinamaan ng tidal wave na 5 metro ang taas.

50 bahay naman ang napinsala at halos 60 motorized banca ang winasak ng hampas ng malaking alon na dulot ng bagyong quiel.

Kinailangan namang lumikas mula sa kanilang mga bahay ang halos 12,000 residente na naapektuhan ng bagyo at pnsamantalang nanirahan sa mga paaralan at Barangay halls na ginawang evacuation center.

 

0 comment

Related Posts