2 patay,100 kabahayan nasira sa bush fires sa Australia

2 patay,100 kabahayan nasira sa bush fires sa Australia

by Powered by DWIZ
0 comment 16 views

Patay ang 2 katao at 100 kabahayan ang nasira sa bush fires na dumaan sa Eastern Australia.

Ayon kay New South Wales Premier Glyds Berejiklian 7 katao pa ang unaccounted sa gitna nang patuloy na pag apula ng mga bumbero sa malaking sunog sa lugar simula pa kahapon.

Dahil dito sinabi ng opisyal na posibleng umakyat pa ang death toll sa mga susunod na araw lalo pat nanganganib na lumawak pa ang bush fires.

Mahigit 30 katao ang nasugatan na at karamihan sa mga ito ay mga bumbero.

Pinayuhan ang mga residente sa New South Wales at Queensland na maging alerto at tumutok sa emergency services.

0 comment

Related Posts