36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Hidilyn Diaz nangamba para sa kaligtasan ng pamilya dahil sa ‘Oust Duterte Matrix’

- Advertisement -

Nangangamba si Olympic Weightlifting Medalist Hidilyn Diaz sa kanyang kaligtasan matapos na masama ang kanyang pangalan sa ‘Oust Duterte Matrix’.

Ayon kay Diaz, natatakot siya para sa kanyang buhay at ng kanyang pamilya.

Gulat na gulat aniya ang kanyang ina nang interviewhin ng media tungkol sa pagkakasangkot niya sa listahan.

Maging siya aniya ay hindi makapaniwala na makakaladkad ang kanyang pangalan sa mga isyung tulad nito.

Una nang nakiusap si Diaz na huwag siyang idamay sa mga ganitong usapin lalo’t abala siya ngayon sa kanyang paghahanda para sa pagsabak sa 2020 Tokyo Olympics.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -