30.7 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Heart relic ni Santo Padre Pio nasa bansa na

- Advertisement -

Nasa bansa na ang heart relic ni Santo Padre Pio na inaasahang ililibot sa buong Pilipinas sa loob ng dalawampung araw.

Agad na dinala sa National Shrine of St. Padre Pio sa Santo Tomas Batangas ang incorrupt o hindi nabulok na heart relic ng kilalang santo matapos lumabag sa NAIA ang eroplanong sinasakyan nito kagabi.

Mag-a-ala-una nang dumating sa nabanggit na shrine ang relic kung saan isang misa ang isinagawa  na dinaluhan naman ng daan daang deboto.

Mananatili sa Sto. Tomas ang heart relic hanggang bukas, araw ng linggo bago ito dalhin sa University of Santo Tomas at Manila Cathedral para sa veneration mula lunes hanggang Miyerkoles, Oktubre 10.

Dadalhin naman ito sa Visayas simula Oktubre 11 hanggang 13 bago ibiyahe sa Mindanao mula namang Oktubre 14 hanggang 16.

Muli naman itong ibabalik sa batangas sa Oktubre 17 at mananatili doon hanggang maibalik sa italy sa Oktubre 26.

Ang Pilipinas ang ika-apat na bansang binisita ng heart relic ni Padre Pio na nakilala sa pagkakaroon ng stigmata o sugat sa kamay na tulad ng kay Hesukristo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -