Saturday, May 11, 2024

Health condition ni Pangulong Duterte di dapat ikabahala ng publiko

- Advertisement -

Walang dapat na ikabahala sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo duterte matapos itong sumailalim sa ilang medical procedure kamakailan.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, bahagi lamang ng mga regular examination ang pagsasailalim ni Pangulong Duterte sa endoscopy upang malaman ang lagay ng kalusugan nito.

Hinggil naman aniya sa Barret’s Esophagus ng pangulo, hindi na ito bago sa publiko dahil makailang beses na itong binanggit ng pangulo.

Mababa rin aniya ang porsyentong mauuwi sa cancer ang sakit na ito ng punong ehekutibo.

Nakuha ni Duterte ang Barret’s Esophagus dahil sa kanyang madalas na paninigarilyo at pag-inom noong siya ay bata pa.

Sinabi ni Duque na sa kanyang naging obserbasyon, malakas at masigla pa ang pangulo ngunit sa edad nito na 73, normal lamang na humingi ito ng pahinga paminsan-minsan dahil sa mahirap nitong trabaho at dami ng problema ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -