Hawks binasag ang 5 sunod na panalo ng Jazz

0
53

Binasag ng Atlanta Hawks ang limang-sunod na panalo ng Utah Jazz nang masungkit nila ang panalo kontra Jazz sa iskor na 117 – 114.

Nanguna sa Hawks si Trae Young na kumamada ng 23 puntos.

Nag-ambag din ng 18 puntos si Dewayne Dedmon para sa Hawks.

Hindi naman naging sapat ang 34 na puntos na naitala ni Donovan Mitchell at 17 puntos ni Ricky Rubio para sa Jazz.

Samantala sunod namang makakalaban ng hawks ang philadelphia seventy-sixers sa linggo habang makakaharap naman ng Jazz ang Chicago Bulls sa kaparehong araw.