Harry Roque umatras na sa pagtakbong senador

0
58

Umatras na bilang kandidato sa pagka-senador si dating Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon kay Roque, nakapagsumite na siya ng withdrawal sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Roque na pinayuhan siya ng kanyang doktor na umatras na sa kanyang kandidatura dahil baka hindi kayanin ng kanyang puso ang stress at iba pang aktibidad sa kampanya para sa eleksyon.

Bagamat hindi direktang tinukoy ni Roque ang kanyang sakit, sumailalim aniya siya sa isang procedure na may kaugnayan sa kanyang puso nang itakbo siya sa ospital noong Lunes.

Kasabay nito, buong pusong nagpasalamat si Roque sa lahat ng sumuporta sa kanyang plano sanang pagtakbo bilang senador.

—-