Hanggang P2-M multa ipapataw sa mga nagbebenta ng overpriced face shield —DTI

0
8

Binalaan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang kumpanya kaugnay sa pagbebenta ng overpriced face shields.

Ito, ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ay kasunod na rin nang pag-iikot ng ilang tauhan nila na i-monitor ang bentahan ng face shields na obligado nang isuot kapag nasa pampublikong sasakyan at maging sa mga workplace.

Sinabi ni Lopez na ilang establishment ang nagbebenta ng lampas sa itinakdang suggested retail price (SRP) na P25 hanggang P50 kada isa.

Tiniyak ni Lopez ang patuloy na pagsasagawa ng inspeksyon sa mga pamilihan para mabatid kung sumusunod sa SRP ang mga ito sa pagbebenta ng face shields.

Multang P5,000 aniya hanggang P2-milyon ang kakaharapin ng mga establishment na susuway sa SRP ng face shield.