27.8 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Halos 3-M deboto inaasahan makikilahok sa pista ng Black Nazarene

- Advertisement -

Halos tatlong milyong deboto ang inaasahang dumalo sa nalalapit na pista ng Itim na Nazareno, sa Enero 9.

Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Guillermo Eleazar, dadaluhan ng milyun-milyong deboto ang halos anim na kilometrong ruta ng prosesiyon mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

Matatandaang, inabot ng 23 oras ang prosesiyon noong nakaraang taon bago maibalik ang Nazareno sa simbahan ng Quiapo.

Samantala, tiniyak naman ni Eleazar na nakalatag na ang aktibidad ng pulisya upang matiyak ang seguridad ng publiko sa darating na traslacion ng Itim na Nazareno.


Mahigit 7,000 pulis itatalaga

Mahigit 7,000 pulis ang itatalaga ng philippine national police upang tiyakin ang seguridad ng publiko sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno.

Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, handang-handa na ang pulisya sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno na inaasahang daluhan ng milyun-milyong deboto.

Paliwanag ni Eleazar, 2,000 sa mga pulis na itatalaga ay mag-mumula sa Manila Police District (MPD) habang ang natitirang 5,000 naman ay kukunin sa ibang distrito.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Eleazar na malaki ang posibilidad na muling suspendihin ang mobile services sa Maynila upang maiwasan ang anumang banta ng terorismo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -