28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

7 pulis na sangkot sa indiscriminate firing nitong bagong taon pinasisibak ni Lacson

- Advertisement -

Pinasisibak ni Senador Panfilo Lacson ang pitong pulis na sangkot sa iligal na pagpapaputok ng baril nitong bagong taon.

Ayon kay Lacson, dapat agarang ipag-utos ni PNP Chief Oscar Albayalde ang pag-sibak sa mga pulis, dahil hindi isinaalang-alang ng mga ito ang pinsalang maaring i-dulot ng indiscriminate firing o ang iligal na pag-papaputok ng baril.

Nakapagtala ang pulisya ng 23 kaso ng iligal na pagpapaputok ng baril kung saan kinabibilangan ito ng pitong pulis, 10 sibilyan, dalawang opisyal ng gobyerno, dalawang secuity guard at isang law enforcement agent.

Samantala, tiniyak naman ni albayalde na sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang pitong sangkot na pulis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -