27.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Guro, Patay Sa Buy Bust Operation Sa Midsayap

- Advertisement -

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang guro matapos na makipagpalitan ito ng putok sa mga otoridad ng bayan ng Midsayap sa North Cotabato kahapon.

Sinasabing isang buy bust operation ang isinagawa ng mga element ng Midsayap PNP sa pangunguna ng kanilang hepe na si Police Lt.Col. Jhon Calinga laban sa guro na si Jake Placibe.

Si Placibe ay sinasabing isang High Value Target ng PNP Midsayap dahil sa pagtutulak nito ng illegal na droga.

Ilang buwan ding isinasailalim sa surveillance ang guro.

Sa halip umanong sumuko ay agad bumunot ng 38 revolver pistol ang titser at nakipagbarilan matapos matunugan na pulis pala ang kanyang katransaskyon.

Tumambad sa napatay na suspek ang labing apat na pakete ng suspected shabu, at ang baril nito. (John M. Unson, NDBC)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -