Monday, May 6, 2024

Gumuhong tulay sa Taiwan, 3 Pinoy pa ang pinaghahanap

- Advertisement -

Nasa 3 Filipino pa ang patuloy na pinaghahanap matapos gumuho ang isang tulay sa Yilan County sa Taiwan.

Ayon kay Meco Director and Information Officer Gerry De Belen, sakay ang 3 ng isa mga fishing vessels na nakadaong sa ilalim ng tulay nang gumuho.

Samantala, nakalabas na ng ospital ang 5 pang pinoy na nagtamo naman ng mga minor injuries sa insidente.

Sinabi ni De Belen, binisita na ng mga opisyal ng Pilipinas ang mga biktimang pinoy at nabigyan na rin ng tulong pinansiyal.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, posibleng naputol ang isa sa mga kable ng tulay dahilan kaya ito bumigay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img