Guiao inaming hirap silang maabot ang target sa nalalapit na FIBA World Cup

0
51

Inamin ni Gilas Pilipinas Head Coach Yeng Guiao na hirap silang maabot ang target na maging best asian team sa nalalapit na FIBA World Cup.

Sinabi ni Guiao na sakaling hindi makapasok ang China sa susunod na round makikipag tagisan sila para sa best placing sa naturang torneo bagamat hindi nila ito aniya kontrolado lalo pa’t hawak ng host nation na China ang bentahe sa best finish.

Una nang ibinunyag ni Guiao na isa rin sa kanilang layunin sa World Cup ay maging pinakamagaling na koponan sa rehiyon na otomatikong mapapasama sa main draw ng 2020 Olympics sa Tokyo, Japan.

Ang Pilipinas ay huling sumabak sa Olympics noong  1972 sa Munich kung saan kabilang sa team noon sina Bog Adornado, dating Senador Freddie Webb at Manny Paner.

Sakaling mabigo ang Gilas na masungkit ang top asian ranking dadaan sa masalimuot na qualifying process ang mga Pinoy sa susunod na taon.