4 Chinese drug lords pinalaya ng BuCor noong Hunyo

0
57

4 na Chinese drug lords ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong nakalipas na buwan ng Hunyo.

Ibinunyag ito ni Senador Panfilo Lacson matapos makakuha ng kopya ng pangalan ng mga convict na pinalaya kamakailan lang ng NBP kung saan 4 ay convicted Chinese drug lords.

Ayon kay Lacson ang mga nasabing drug lords ay pinalaya at ibinigay ang custody ng mga ito sa Bureau of Immigration para sa posibleng deportation.

Sinabi ni Lacson na ang mga nasabing drug lords ay mula sa building 14, maximum security compound at inilipat sa Bureau of Immigration.

Hindi naman tinukoy ni Lacson kung ang mga naturang drug lords ay pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance law (GCTA).