Guanzon itinanggi ang pangingikil niya kay Cardema

0
56

Pinayuhan ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon si National Youth Commission Chairman Ronald Cardema na kumuha ng isang magaling na abogado

Ito ang sagot ni Guanzon makaraang paratangan siya ng pangingikil ni Cardema para aprubahan ang inihain niyang Accreditation para sa kanilang grupo

Sinabi ni Guanzon, nangyari umano ang pangingikil niya kay Cardema nuong unang bahagi ng 2019 nuong siya’y pinuno pa ng National Youth Commission

Kaya naman kinuwesyon nito si Cardema na gumagawa na ng Partisan Political Activities sa nasabing panahon na mahigpit na ipinagbabawal ng batas