Drilon hinimok ang COA na magkasa ng special audit laban sa PhilHealth

0
53

Hinimok na ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Commission on Audit (COA) na magkasa ng special audit laban sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kaugnay ito ng isyu ng korapsiyon na kinasasangkutan ng naturang ahensiya.

Ayon kay Drilon, hindi lang annual audit ang dapat na isagawa ng COA kundi dapat nitong busisiin at masusing pag-aralan ang lahat ng transaksiyon ng Philhealth.

Aniya, dapat rin na matukoy kung totoong nalustay ang pondo ng PhilHealth, at kung magkanong pondo lamang ang kailangan nito.

Ayon kay Drilon pumalo sa 26 na bilyong piso ang kabuuang halaga ng naluging pondo ng Philhealth bunsod ng mga unpaid claims.

Aniya, ito ang dahilan kaya’t dapat tuluyan nang matigil ang katiwalian sa ahensiya.

Sa ngayon, iminungkahi rin ni naman Drilon na dapat ring magkaroon ng reporma sa collection system ng PhilHealth, upang mas madali mabusisi ng pamahalaan ng mga pondong nakokolekta ng ahensiya.