Grupong ACT kinalampag ang Senado kaugnay sa hindi pa napapasweldong mga bagong hire na guro

0
74

Kinalampag ng grupong Alliance of Concerned Teachers ang Kamara at Senado kaugnay sa mga hindi pa napapasweldong bagong hire na mga guro.

Ito’y matapos maapektuhan ang sweldo ng naturang mga guro ng 2019 budget.

Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, wala pa ring natatanggap na sweldo ang mga bagong pasok na public school teachers mula pa noong Enero dahil sa nakabinbing pag apruba sa pambansang pondo.

Giit ni Tinio, dahil dito ay nakakagawa na ng kawalan ng hustisya ang gobyerno sa mga guro na nagtatrabaho ngunit wala namang sini-sweldo.

Nabatid na masa 74 na public school teachers sa region 7 at region 13 ang delay hanggang sa ngayon ang sahod dahil sa kabiguang maipasa ang panukalang budget.