Panukalang ‘Child Safety in Motor Vehicles’ nilagdaan na ni Pangulong Duterte

0
51

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang maging ganap na batas ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga bata na nakasakay sa mga sasakyan.

Batay sa Republic Act 1129 o Child Safety in Motor Vehicles, inoobliga nito na bigyan ng karampatang proteksyon ang mga bata sa loob ng sasakyan sa pamamagitan ng child restraint system.

Nakasaad sa batas na dapat ay iaangkop sa edad ng bata ang gagamiting child restrain system.

Inaatasan din dito ang Department of Transportation na bumalangkas ng mga panuntunan na magtitiyak sa kaligtasan ng mga may dalang bata na sumasakay sa pampublikong sasakyan.

Ipinaubaya naman sa Department of Trade and Industry ang paglalabas ng mga standard base na mga kagamitan para matiyak ang kaligtasan ng mga bata.