Kongreso hinikayat ang pamahalaan na mamuhunan bilang solusyon sa kakulangan sa tubig

0
77

Hinikayat ng Kongreso ang pamahalaan na mamuhunan sa mga paraan para masulusyunan ang kakulangan sa tubig sa Metro Manila.

Paliwanag ni Kabayan Rep. Ron Salo, mainam na mag-invest ang pamahalaan sa mga kagaya ng mobile desalination at water purification assets tulad ng ginawa noong manalasa ang Yolanda at Ondoy kung saan naging problema rin ang pagkukunan ng malinis na tubig sa lugar na sinalanta ng naturang mga bagyo.

Hindi aniya nakikita ni Salo na isang epektibong solusyon sa kakapusan ng tubig ang pagtatayo ng mga karagdagang dam.

Kasabay nito, tiniyak ni Salo na susuportahan ng Kamara ang pagpopondo sakaling maisulong ang proyekto.