Monday, May 6, 2024

Grupo ng mga drivers at operators hindi na itutuloy ang pagsasampa ng kaso sa LTFRB

- Advertisement -

Hindi na itutuloy ng grupo ng mga drivers at operators ang kanilang bantang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng LTFRB.

Ito ay kasunod ng kanilang isinagawang transport holiday kanina.

Kaninang umaga ay nagsama sama ang grupo sa Quezon Memorial Circle kung saan sabay- sabay silang bumusina bilang protesta sa mabagal at pabago bagong polisiya ng LTFRB sa pagkuha ng prangkisa at pagbabawal sa mga hatchback para maging TNVS

Ayon kay Lawyers for Commuters Safety and Protection President Atty. Ariel Inton, nagkasundo ang grupo na ipagpaliban ang paghahain ng kaso sa Ombudsman dahil sa ipinatawag na pagpupulong ng LTFRB.

Makakasama sa diyalogo ay ang mga opisyal ng Department of Transportation, Civil Service Commission at Department of Trade and Industry.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img