Bulacan tinawag na ‘bloodiest killing field’ ng isang international human rights group

0
52

Tinawag na bloodiest killing field ng isang international human rights group ang probinsya ng Bulacan dahil sa dami ng mga naitalang nasawi dahil sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.

Ayon sa Amnesty International, lumala ang mga drug related killings matapos na ilipat sa probinsya ang mga police commander na nanguna sa mga madugong drug war sa Metro Manila nitong nakalipas na 18  buwan.

Kabilang dito si dating Caloocan City Police Chief Chito Bersaluna na naka posisyon noong namatay ang 17 taong gulang na si Kian Delos Santos noong 2017 na kinalaunan ay na promote bilang Bulacan Provincial Director.

Sa tala ng samahan, mula sa 20 mga drug related cases na sinuri ng Amnesty International ay 27 sa mga nasawi dito ay mula sa Bulacan.