Friday, May 17, 2024

Grab umapela sa pamahalaan na turuan ang publiko sa paggamit ng cashless payment

- Advertisement -

Umaapela ang Grab Philippines sa pamahalaan na turuan ang publiko sa paggamit ng cashless payment.

Ayon kay Grab Philippines President Brian Cu, may ilang mga pasahero kasi ang hindi pa sanay sa paggamit ng cashless payment.

Dahil dito, may ilan umanong Grab drivers na hindi na nirerehistro sa kanilang application ang pasahero dahil sa cash ang payment nito.

Ikinababahala naman ni Cu na posible silang mahirapan sa contact tracing oras na may mangyaring hawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil sa pisikal na proseso ng pag-abot ng pera.

Samantala, nananawagan naman ang Grab sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling pag-aralan ang cashless transaction protocol at pag-unti-unting pag-roll out ito para mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa pamilyar sa paggamit ng cashless payment.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -