35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Grab Philippines hinimok ang kanilang mga mananakay na iwasan muna ang pagpasundo o mapahatid sa EDSA

- Advertisement -

Hinimok ng Grab Philippines ang kanilang mga mananakay na iwasang ilagay ang edsa bilang pick up point at destinasyon.

Kasabay ito ng ipinatutupad na dry run ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority para sa high occupancy vehicle scheme sa kahabaan ng EDSA simula ngayong araw.

Sa ipinalabas na abiso, pinayuhan ng Grab ang kanilang mga subscribers na iwasan munang magpasundo o magpahatid sa EDSA tuwing rush hours o mula ala siyete hanggang alas diyes ng umaga at mula ala sais hanggang alas nuwebe ng gabi.

Ito ay para na rin anila maiwasang mahuli at makalabag sa bagong batas trapiko ang kanilang mga drivers.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -