Grab PH nag-alok ng libreng hatid-sundo para sa mga health workers

0
12

Nag-alok umano ng tulong ang Grab Philippines para ihatid at sunduin ang mga health workers sa kanilang pinapasukang ospital.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), isasapubliko nila ang mapagkakasunduang mga ruta para sa service ng Grab sa sandaling maplantsa na ito.

Batay sa commitment na ibinigay ni Grab Philippines President Brian Cu, libre at walang anumang babayaran ang pasahero na ihahatid nila sa ospital.